SIGN # 1:
Pag gising mo sa umaga,
sino ang una mong iniisip?
sarili?
pamilya?
katabi mo?
si Jesus?
yung alaga mo?
ang agahan?
o ang taong kinababaliwan mo?
marami kang pwedeng isipin...
pero sa tingin mo kaya, iniisip ka din nya?
pag naisip mo na kung sino ang una mong naalala sa pag-gising mo,
wag mong maunang mahulog sa iyong mata ang mga muta mo bago mo masabi sa kanya ang salitang "Magandang Umaga."
SIGN # 2:
Pagpasok mo sa eskwela,
sya parin ba ang nasa isip mo?
palagi mo ba siyang kasama?
kung oo, ipakita mong na-miss mo siya.
kung hindi mo naman siya kasama lagi,
malamang nakakaranas ka ng pagkabagot,
pagka-lamya,
at pakiramdam ng pag-iisa kahit sandamukal ang taong katabi mo.
nararamdaman mong gusto mo siyang makita, makausap..
SIGN # 3:
Sa cellphone mo,
siya na ba ang umubos ng memory.
sa inbox,
halus umapaw na ito at laging message niya ang nababasa mo.
mula sa inbox hanggang sa photos siya padin ang nangingibabaw,.
SIGN # 3:
Pag siya ay nasa harap mo,
nakakaramdam ka ng panginginig ng tuhod,
pag ka bulol,
pagtagaktak ng pawis,
mapapansin mo ding hindi ka makatingin sa kanyang mga mata.
at pagkaalis niya sa harap mo,
maiisip mo ang...
"sana ganito yung ginawa ko" feeling..