Bakit nga ba tayo nag hahanap ng isang taong maaaring magmahal sa atin? i mean yung pang bf/gf effect.. madalas naman lagi tayo yung nasasaktan at bigo... at kahit anong gawin natin, tayo parin yung nagmumukhang tanga at engot sa huli.
Sa totoo lang, nangyari na din sa akin yan. marami na 'kong nakilala pero sa kinadami-dami ng mga nakilala ko, doon pa ko sa pasaway na-inlahb.
Nagsimula yun nung 2nd year college. tulad ng iba, isang ordinaryong emo lang siya. may eyeliner, may ribbon palagi sa bag... walang pinagkaiba sa lagi kong "na-i-spot-tan" sa skul. hindi tumagal, nakilala ko siya, nakilala niya ako at naging close kaming dalawa. madalas sa kalokohan at mga wirdong mga pangyayari ko siya nakakasama. tulad nalang nung iniwan siya nung ex niya na naging sila ulit tapos sa huli, nag break ulet.
astigin din siya nung nakilala ko,. adik sa paraang alam niya. simple pero cool.
at dahil nga sa ganung sitwasyon, na in love ako sa kanya.
Adik. adik. adik.
tunay ngang nakakaadik siya... wala din akong masabi kung paano ako nahulog sa isang katulad niya, siguro masasabi kong na-Magnet ako sa kanya. may mga ginagawa siya na hnd ko ginagawa (masyado) tulad ng pag-inom. yosi. pero kahit na ganun sya, nakakaadik parin.
Nung hindi ko na kaya. at pakiramdam ko sasabog na talga, sinabi ko na sa kanya.
Mahal. mahal... mahal na mahal ko siya.
Oo, nasabi ko yun nang kaming dalawa lang (nung una...)
nung pangalawang beses kong sinabi yun, binigyan ko sa ng flowers at tarpaulin sa harap ng mga Kaibigan ko, kaibigan niya, ka-klase namin, skulmates, teachers, professors, coordinator at janitors ng school namin sa 3rd floor ng building ng college of nursing ng university namin.
(isipin mo nalang kung gaano karaming kumukuha ng nursing ngayon!!!)
sabi ng iba... "Ehto na yan tol!!!", "sweet", "ang galing mo brod!", "ang galing"... pero ang naka-agaw ng pansin sa akin ay yung sinabi saakin ng isang ka-kilala... "tol, wag ka masyadong umasa. hindi din natin alam nasa isip niya."
katotohanan. katotohanan.
kahit ibuhos mo sa isang tao lahat ng oras at panahon mo, sabihin na din nating kahit isama mo pa buong puso mo, maliit parin ang porsyentong ibigay niya din sayo yung ganun niya.
ang nang yari?
sa kabila nung roses at tarp, nandun parin siya sa ex niya na hindi naman talaga nakipag -break sa kanya pero sila nung nakipag-balikan siya.
gets mo? ako din hindi ko din maintindihan eh... masyadong malabo... masakit sa ulo, nakakaaning. nakaka-adik.
wasak. wasak. wasak na wasak.
wasak talaga ako nun. ala kain. ala tulog. parang Survivor lang...pero sabi nga sa akin nung isa kong kaibigan, "wag mong paghiyanganan ang taong hindi nanghihinayang sayo."
para sa'kin, sa laro ng pag-ibig, wala talagang nananalo... at wala din natatalo. patas lang,. kung baga sa sports, Draw lang. Sabihin na nating nasaktan ka, nawalan... pero kahit gaano niya i-deni, sigurado... yung nangiwan sayo nawalan din, nanghinayang din yun...
at kung hindi talaga para sayo ang isang tao, wag mo nang pilitin kasi kung kayo talaga, hindi mo na kailangang magbigay ng grrrrabeng effort para sagutin ka.
~jeoffy`Creams!