Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryOct 15, '09 4:33 AM
for everyone

Sa aking kaibigan

Ngayon ko lang nalam
balitang nanggulat sayo aking kaibigan.
kalungkutan mong nadarama
alam kong sagad sa iyong kaibuturan.

Ako'y nakikidalamhati kaibigan,
sa pagkawala ng iyong ama
isang amang kaytagal mong hinanap
kaytagal na inasam makita.

Iiyak mong lahat.
huwag kang mahiya!
Sa langit mo idaing
kalungkutang nadarama.

Kung nasaan man siya ngayon,
alam kong alam niya.
pag-aasam mo na makita siya
at ang pagmamahal mong alay sa kanya.

Natapos man ang awit nang kanyang buhay,
alam kong nakatingin siya sa'yo
tahimik na nakikinig,
nagbabantay sa'yo.

Mahal ka niya.
alam ko iyon.
sapagkat dugo mo'y galing sa kanya.
ikaw'y  yakap niya ngayon.

Kung hindi mo na kaya.
Pag hindi mo na mapulot ang mga piraso mo.
nandito kami aking kaibigan.
Handang dumamay sayo.

Condolence Dude.


-
Jofer



Add a Comment