Bro. Erano G. Manalo
1925-2009
Tayo'y mga tupa sa loob ng kawan.
Na sininop at inalagaan ng sugo sa mga huling araw.
sa kanyang pagsisikap na tayo'y pangaralan,
Mga tao'y nahikayat sa tunay na mabuting balita.
Nang ang Sugo ay pinagpahinga,
Iglesia ay natakot, nangamba.
Sino ang hahalili sa banal na gwaing sinimulan niya?
Isang tao ang tumayo na may paninindigan.
hindi nanghina raying kalooban.
Pangako ng Diyos ang pinaghawakan.
Upang ituloy ang usapang kaligtasan.
Sa kanyang pamumuno, Iglesia ay lalong yumabong.
dumami lalo ang kaanib na lalong sumusulong.
Mga hula'y natupad sa kanyang pangunguna,
Sa malayong kanluran naitawid niya ang Iglesia.
Hindi naglaon'y Iglesia nakabalik kung saan nagsimula.
Sa Herusalem ang mga salita ng Diyos ay muling napunla.
akala ng mga kumakalaban ay tapos na
ngunit ang Iglesia ni Cristo'y nakabalik pa sa Roma.
Sa mahusay na pangunguna, Iglesia'y nagtamo ng mga parangal
Maging ang publiko, politiko, taas noo sa kanya.
Ngunit ang mga papuri'y hindi inaring kanya
bagkos ang mga papuri'y Ibinalik sa Ama.
Kamakailan Iglesia ay nagbunyi.
Isang selebrasyong sa mundo ay nagpahanga.
95th na taon ng Iglesia ay naganap
Salamat sa Diyos na nagaalaga.
Ngayon'y si Ka Erdy ay pumanaw na,
mga payo at pangaral hahanap-hanapin ng buong Iglesia.
Ang kanyang pagmamahal ay laging maalala
Sa puso namin ay nakatanim at laging magpapaalala.
Na hindi dapat ipagdamot ang kaligtasan.
Ipaabot ang mga salita ng Diyos sa sanlibutan.
magbagong buhay lagi na
Ipamalita ang mga dalisay na aral para sa kaligtasan.
Ka Erdy, tunay na hindi ka malilimutan.
ala-ala mo'y lagi naming taglay.
ngunit alam naming hindi magtatagal,
Doon sa Bayang Banal aawit tayo ng magkakasama.
Salamat.