Ang pagmamahal ay isang awiting binuo ng dalawang damdamin... na sa twina'y laging inaawit at hinihimig ng dalawang pusong lihim na umiibig.
Sa bawat araw ay nariyan laging magkatabi, Bumuhos man ang ulan. nariyan parin! laging nakangiti.
Ngunit minsan ang pag-ibig ay malupit. laging lungkot at sakit ang hatid. kasalanan nga ba ang minsan... ang umibig ng labis-labis?
Marami na ang nakaranas ng pagibig na tila'y isang malas.. ngunit heto parin at pinagpapatuloy ang pagmamahal na wagas.
Saan ba pupulutin ang mga kahapong nakalipas.. kung sa isang ngiti nagtapos ang lahat? makahahabol pa ba ang taong nadapa? kung sa harap nito'y wala na ang kasama?
Hindi makita.. Hindi na marinig... ang tibok ng pusong minsan nang nayakap.. minsan nang nahagkan.
Tila yata ang ulan ay hindi na hihinto. at ang ilog nga ay natuyo. Sa himig ng mga taong palakad-lakad sa mundo, nandirito ako sa gitna, malungkot na nakatayo.
JOFER.
| |
|